Free verse poem



“Parang tayo pero hindi”

Noong panahon na parang tayo pero hindi,
Mga araw na tayo ay magkatabi,
Mga oras na ako’y iyong kinikiliti,
At mga minutong naguusap lagi.

Naaalala ko yung mga oras na nakasandal ako sa iyo
At minsan naman ay nakasandal ka saakin.
Bawat Segundo ay natatakot ako na magkamali,
Mag kamali na magdulot ng paglayo mo saakin.

Dumating ang panahon na nasaktan mo at puso ko’y nasawi.
Araw-araw tinatanong ang sarili kung may nagawa bang mali.
Nakaramdam ako ng pagkatalo at ikaw ang nagwagi
Dahil yung parang tayo pero hindi ay nawalis sa isang tabi.

Merong mahal mo bilang kaibigan at mahal mo higit pa sa kaibigan,
Basta ang alam ko, kapag mahal mo ang isang tao ay maslalo kang masasaktan,
Nasaktan mo ako ng lubusan dahil sa ikaw ay mahal ko.
Ngunit nagawa kang patawari  dahil din sa ikaw ay mahal ko.

Bumalik ang dating tayo pero maramng nagbago.
Minsan ay nananaginip ng mahal kita at mahal mo ako,
Sa aking paggising ay nangangarap na magkatotoo
At naghihintay ng kasagutan sa tanong na hanggang parang tayo pero hindi nalang ba ang ikaw at ako?





Free verse poem by: Torres, John caress A.

Comments

  1. Slot Machines - Dr.MCD
    Learn the world's top 아산 출장안마 slot machines. Discover new slot 부천 출장샵 machines 서울특별 출장마사지 and 강릉 출장샵 slot 부산광역 출장샵 machines from the best providers in the world at Dr.MCD! ✓ New Online Slots +

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog