Free verse poem
“Parang tayo pero hindi” Noong panahon na parang tayo pero hindi, Mga araw na tayo ay magkatabi, Mga oras na ako’y iyong kinikiliti, At mga minutong naguusap lagi. Naaalala ko yung mga oras na nakasandal ako sa iyo At minsan naman ay nakasandal ka saakin. Bawat Segundo ay natatakot ako na magkamali, Mag kamali na magdulot ng paglayo mo saakin. Dumating ang panahon na nasaktan mo at puso ko’y nasawi. Araw-araw tinatanong ang sarili kung may nagawa bang mali. Nakaramdam ako ng pagkatalo at ikaw ang nagwagi Dahil yung parang tayo pero hindi ay nawalis sa isang tabi. Merong mahal mo bilang kaibigan at mahal mo higit pa sa kaibigan, Basta ang alam ko, kapag mahal mo ang isang tao ay maslalo kang masasaktan, Nasaktan mo ako ng lubusan dahil sa ikaw ay mahal ko. Ngunit nagawa kang patawari dahil din sa ikaw ay mahal ko. Bumalik ang dating tayo pero maramng nagbago. Minsan ay nananaginip ng mahal kita at mahal mo ako, Sa aking paggising ay
Comments
Post a Comment